Tuesday, December 25, 2012

Ubo


Ito ay bunga ng pagbabara ng daanan ng hangin at brongkitis.

Paggamot ng tubig
1.  pomentohan ang likod at dibdib. Tingnan ang pahina 55 para sa paraan.
2. paglanghap ng singaw. Tingnan ang pahina 58.

Paggamot ng halaman
1. lagundi
·         Pakuluan ng 15 minuto ang 4 na kutsarang tinadtad na tuyong dahon o kay ay 6 na kutsarang tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig.
o    Dosis:
Matanda: ½  baso, 3 ulit maghapon.
Bata: (sanggol) 1 kutsarita, 3 ulit maghapon.
(2-6 na taon) 2 kutsara, 3 ulit maghapon.
(7-12 taon) ¼ tasa, 3 ulit maghapon.
2. oregano
·         Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasang tinadtad na sariwang hapon sa 2 basong tubig.
o    Dosis:
Matanda: ½  baso, 3 ulit maghapon.
Bata: (sanggol) 1 kutsarita, 3 ulit maghapon
(2-6 na taon) 2 kutsara, 3 ulit maghapon.
(7-12 taon) ¼ na tasa, 3 ulit maghapon.
3. mansanilya
·         Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng tinadtad na tuyong dahon at bulaklabk o kaya ay 1 ½ tasa ng sariwang dahon at bulaklak sa 2 basong tubig.
o    Dosis:
Matanda: ½  baso bawat 4 na oras.
Bata: (sanggol) 1 kutsara, 3 ulit maghapon.
(2-6 na taon) 2 kutsara, 3 ulit maghapon.
(7-12 taon) ¼ na tasa bawat 4 na oras
4. kantutay
·         Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng tinadtad na sariwang dahon at bulaklak sa 2 basong tubig.
o    Dosis:
Matanda: ½ tasa, 3 ulit maghapon.
Bata: (sanggol) 1 kutsarita, 3 ulit maghapon
(2-6 na taon) 2 kutsara, 3 ulit maghapon.
(7-12 taon) ¼ tasa, 3 ulit maghapon.
5. alagaw
·         Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig. Salain at pigaan ng 2 kalamansi. Haluan ng 1 kutsarang asukal.
o    Dosis:
Matanda: ½ tasa bawat 4 na oras.
Bata: (sanggol) 1 kutsarita bawat 4 na oras.
(2-6 na taon) 2 kutsara bawat 4 na oras.
(7-12 taon) ¼ na tasa bawat 4 na oras.

No comments:

Post a Comment