Wednesday, December 26, 2012

Mga paso


Ang paso ay kapinsalaan sa balat at laman bunga ng init, radyasyon, pagkikiskisan at elektrisidad.

Paggamot ng Tubig

1. dagling ibabad ang napasong bahagi sa malamig na tubig sa loob ng 10 sandali upang maibsan ang sakit.
2. kung mayroong mga lintos, huwag itong tusukin. Panatilihin itong tuyo at malinis.  Huwag bayaang maalikabukan o kaya ay dapuan ng langaw.  Takpan ang mga pinsalang bahagi ng malinis na damit. Plantsahin muna ito bago gamitin.
3. kung malaking bahagi ng katawan ang napaso, dalhin agad ang pasyente sa pinakamalapit na pagamutan. Huwag gagawa ng anuman sa pasyente. Pahigain at takpan siya ng malinis na damit upang manatiling mainit.
4. kung ang paso ay maliit lamang, ibabad ito sa tubig na may asin sa loob ng 20 sandli pagkaraan ng 24 na oras.  Haluan  ng ½ tasang asin ang isang palanggana o kaya’y isang timba ng mainit-init na tubig.  Ibabad ang napasong bahagi minsan isang araw sa loob ng 3 araw hanggang matuyo ang paso.

Paggamot ng halaman sa maliit na paso
1.  Sabila
·         Sabunin at hugasan ang sabila.  Dikdikin ito at katasin.
o    Lagyan ng katas ng sabila ang bahaging may pinsala pagkatapos na maibabad sa mainit-init na tubig na may asin, minsan isang araw.
2. Atsuete
·         Sabunin at hugasan ang dahon, pakuluan ang 10 dahon sa 5 basong tubig. Palamigin.
o    Ibabad dito ng 10 minuto ang bahaging may pinsala, minsan isang araw.

No comments:

Post a Comment