Ang tibi ay isang kalagayan ng pagpapalabas ng dumi nang may kahirapan at magabang panahon ng pagitan.
Paggamot ng Tubig at iba pa
1. uminom nang mga 8 o higit pang baso ng tubig sa araw. Uminom ng 2 baso ng tubig pagkagising sa umaga at isang baso bago matulog.
2. maglabatiba, at dukutin ang dumi kung ito ay buo. Tingnan ang pahina 53.
3. magkaroon ng regular na panahon sapag-upo sa “toilet bowl” at magrelaks. Umupo sa panahon bagaman hindi mo nadarama na kailangan ito.
4. mag-ehersisyo nang regular araw-araw.
5. kumain nang maraming berde at madahong gulay at mga sariwang prutas.
Paggamot ng halaman
1. kangkong
· Ubusin ang 2 tasa ng nilagang dahon sa panahon ng pagkain.
2. malunggay
· Kumain ng isang tasa ng nilagang dahon sa panahon ng pagkain.
3. hinog na papaya
· Kumain ng isang malaking hiwa nito tuwing agahan.
4. kampanilya (yellow bell)
· Pakuluan ng 10 minuto ang 5 dahon sa 2 basong tubig.
o Dosis:
Matanda: 1 baso, 2 ulit maghapon.
Bata: (2-6 na taon) 1 kutsara, 2 ulit maghapon.
(7-12 taon) 1 tasa, 2 ulit maghapon.
No comments:
Post a Comment