Wednesday, December 26, 2012

Talamak at pangmatagalang cystitis


Ang cystisis ay pamamaga ng pantog, kaalinsabay ng masakit at paunti-unting pag-ihi.

Paggamot ng tubig
1.       Maupo sa mainit na tubig sa loob ng 20-30 minuto, 2 ulit maghapon. Tingnan ang pahina 48.
2.       Uminom ng isang basong tubig bawat oras sa panahong gising.

Paggamot ng Halaman
1.       Sambong
·         Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng tinadtad na sariwang mga dahon sa 2 basong tubig.
o    Dosis:
Matanda: ½ tasa, 3 ulit isang araw.
Bata: (2-6 na taon) 2 kutsara, 3 ulit maghapon,
(7-12 na taon) ¼ tasa, 3 ulit maghapon.
2.       Pandan
·         Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng tinadtad na sariwang mga dahon sa 2 basong tubig.
o    Dosis:
Matanda: 1 tasa, 3 ulit isang araw.
Bata: (2-6 na taon)  ¼  kutsara, 3 ulit maghapon,
(7-12 na taon)  ½ tasa, 3 ulit maghapon.
3.       Papaya
·         Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng tinadtad na sariwang mga dahonat isang tasa ng tinadtad na hilaw na bunga sa 4 na basong tubig.
o    Dosis:
Matanda: 1 tasa, 3 ulit isang araw.
Bata: (2-6 na taon)  ¼  kutsara, 3 ulit maghapon,
(7-12 na taon)  ½ tasa, 3 ulit maghapon.
4.       Buhok ng Mais
·         Pakuluan ng 15 minuto ang 2 tasa ng  tinadtad na sariwa at murang buhok ng mais sa 4 na basong tubig.
o    Dosis:
Matanda: 1 baso, 3 beses maghapon.
Bata: (2-6 na taon)  ½  kutsara, 3 ulit maghapon,
(7-12 na taon)  1 tasa, 3 ulit maghapon.

Hika


Ang hika ay karamdaman ng tubong daanan ng hininga. Ang mga palatandaan nito ay paninikip ng dibdib, pangangapos ng hininga, at pag-ubo.

Paggamot ng Tubig
1. Pomento sa dibdib, 2 ulit sa loob ng isang araw. Tingnan ang pahina 55 para sa paraan.
2. Lumanghap ng singaw, 2 ulit maghapon. Tingnan ang pahina 58.
3. Mag-ehersisyo sa paghinga sa loob ng 10 haggang 15 minuto kung walang atake ng karamdaman, 4 na ulit maghapon.

Ehersisyo ng Paghinga
Umupo nang naka-relaks sa isang luklukan, na may unan ang likod. Huminga ng paloob sa pamamagitan ng ilong.  Ibuka nang kaunting pabilog ang mga labi at bumuga nang tila bumubuga sa pamamagitan ng isang istro.  Bumuga ng dalawang ulit pagkatapos na huminga nang paloob.  Utay-utay na dagdagan ang pagbuga. Magrelax pagkatapos bumuga at huminga ng karaniwan nang tatlo hanggang apat na ulit, bago ulitin ang paraan sa itaas.  Maaari itong gawin sa umaga pagkagising o kaya ay sa gabi bago matulog. Maaari rin itong gawin kapag kinakapos ng hininga samantalang gumagawa ng ibang Gawain.

Paggamot ng Halaman
1.  Pandan
·         Magbilot ng 2 tuyong dahon..
o    Sindihan ang kabilang dulo at hititin na parang sigarilyo tuwing ika-6 na oras.
2.  Kalatsutsi
·         Magbilot ng 2 tuyong dahon..
o    Gamitin tulad ng sigarilyo, isa sa umaga at isa sa hapon.
3.  Sampalok
·         Kumuha ng balat ng puno ng sampalok na isang talampakan ang haba. Tadtarin at pakuluan ng 10 minuto sa 3 basong tubig.
o    Dosis:
Matanda: 1 tasa pagkatapos kumain at bago matulog.
Bata:   ½  tasa, 4 ulit maghapon (pagkatapos kumain at bago matulog),
Sanggol: 2 kutsarita, 4 na ulit maghapon (pagkatapos kumain at bago matulog).
4.  Kulitis
·         Pakuluan ng 10 minuto ang tinadtad na 5 murang tangkay na may kasamang bulaklak at dahon sa 5 basong tubig.
o    Dosis:
Matanda: 1 tas, 4 na ulit isang araw.
Bata:   ½  tasa, 4 na ulit maghapon
Sanggol: 2 kutsarita, 4 na ulit isang araw
PAHIWATIG: ang paggamot na ito ay lalong mabuti sa labis na paglabas ng plema.

Alipunga


Ang alipunga ay pamumutok ng balat na may pamumuo ng maliliit at makating tila butlig, at pangangaliskis ng kamay at paa, tangi na sa pagitan ng mga daliri ng paa.

Mga Pag-iingat
1. Panatilihing lagging malinis at tuyo ang mga paa at daliri nito.
2. Laging magsuot ng malinis at tuyong medyas at sapatos.
3. Laging gumamit ng sariling tsinelas, bakya, sapatos at medyas. Huwag bayaang gamitin ng iba ang mga kagamitang ito.
4. huwag magyapak sa loob ng banyo.  Gumamit ng sariling pansapin sa paa sa mga paliguang pangmadla.
5. Kung kayo ay may alipunga, ibilad ang inyong mga pansapin sa panahong hindi ginagamit, isang oras bawat araw sa loob ng isang lingo.

Paggamot ng Tubig na may kasamang halaman
1.  Mainit na banyos sa paa na may kasamang baging ng Makabuhay
·         Magtadtad ng isang talamapakang haba ng baging at pakuluin sa 5 basong tubig sa loob ng 15 minuto.
o    Ibabad ng 15 minuto ang pang may karamdaman o kaya ay hanggang matitiis.  Samantalang nakababad ang paa, kuskusin ng bulak ang pagitan ng mga daliri nito, na inaalis ang patay na balat at pinipisa nag mga butlig.  Panatilihing nakababad sa loob ng 10 pang minute pagkatapos na maalis ang patay na balat.  Ibabad ang paa 2 ulit isang araw kung malubha ang impeksyon.  Tingnan ang pahina 47. 
Pag-iingat: Ang alipunga ay totoong nakahahawa. Nalalalinan nito ang mga daliri at ang isa pang paa.  Ang tuwalyang ginamit na pangpatuyo sa paa at mga daliri ay di dapat gamitin na pantuyo sa paa at mga daliri ay di dapat gamitin na pantuyo sa ibang bahagi ng katawan.  Gumamit ng bulak na pandampi sa  pagtuklap ng langib.  Hugasan mabuti ang palanggana na pinagbabaran.
2.  Akapulko
·         Magdikdik ng murang dahon at katasin..
o    Lagyan ng katas ang pagitan ng mga daliri at iba pang bahaging may kapansanan pagkatapus banyusan ang mga ito ng tubig na may makabuhay.
3.  Kamantigue
·         Magtadtad ng mga bulaklak.
o    Itapal sa bahaging may kapansanan pagkatapos mabanyusan ang paa
4.  Balanoy
·         Magtadtad ng dahon at katasin.
o    Lagyan ng katas ang may kapansanang bahagi pagkatapos ng banyos.
5.  Kanya Pistula (Golden Showers)
·         Magdikdik ng murang dahon at katasin.
o    Lapatan ang bahaging may kapansanan pagkatapos banyusan ng pinakuluang makabuhay.
6.  Labanos
·         Magtadtad ng labanos at katasin.
o    Lapatan ang bahaging may kapansanan, 2 ulit maghapon.
7.  Bawang  (Sa Pangangati)
·         Balatan ang isang puso ng bawang at tadtarin.
o    Kuskusin ang nangangating bahagi, 2 ulit sa loob ng isang araw.

Mga kagat ng pukyutan at putakti


Ang kagat ng mga pukyutan at putakti ay masakit; tumatagal ito ng mga ilang araw.

Paggamot ng halaman
Gawin ang alinman sa mga sumusunod:
·         Dagling kuskusin ng suka o katas ng kalamansi ang bahaging kinagat hanggang humupa ang sakit.
·         Kuskusin ng basing sabon ang kinagat na bahagi at bayaan itong matuyo.
·         Kuskusin ng “baking soda”ang bahaging kinagat sa loob ng 5 minuto.  Ulitin pagkaraan ng 2 oras kung Makati pa at masakit.

Nagdurugong sugat


Ang sugat ay hiwa o bitak ng balat o laman bunga ng kapinsalaan.

Pangunang lunas

Kumuha ng isang piraso ng malinis na damit at diinan ang sugat sa loob ng 10 minuto.  Kung patuloy ang pagdurogo, dagdagan ang saping damit at diinan pa nang kaunti.  Bendahan, pahigain ang pasyente at dalhin ito sa pinakamalapit na hospital o klinika kung ang sugat ay malaki at kailangang tahiin.  Pansinin kung may pangingimay  o pag-iiba ng kulay ang mga daliri ng paa at mga kamay.  Kung mayroon, ang benda ay mahigpit .  luwagan subalit huwag aalisin.

Paggamot ng halaman
1.  Saging
·         Magdikdik ng murang dahon ng saging hanggang maging malambot at makatas..
o    Patakan ng katas ang sugat.  Ilapat na may pagdiin ang dinikdik na dahon sa sugat.  Bendahan.  Kung ang pagdurugo ay hindi tumigil pagkaraan ng 15 minuto, dalhin ang pasyente sa hospital o klinika para sa nararapat na lunas.
2.  Mayana
·         Hugasan ang mga murang dahon at katasin.
o    Lagyan ng ilang patak ang sugat. Itapal ang kinatas na dahon. Bendahan. Huwag mahigpit upang hindi maantala ang sirkulasyon ng dugo.

Mga paso


Ang paso ay kapinsalaan sa balat at laman bunga ng init, radyasyon, pagkikiskisan at elektrisidad.

Paggamot ng Tubig

1. dagling ibabad ang napasong bahagi sa malamig na tubig sa loob ng 10 sandali upang maibsan ang sakit.
2. kung mayroong mga lintos, huwag itong tusukin. Panatilihin itong tuyo at malinis.  Huwag bayaang maalikabukan o kaya ay dapuan ng langaw.  Takpan ang mga pinsalang bahagi ng malinis na damit. Plantsahin muna ito bago gamitin.
3. kung malaking bahagi ng katawan ang napaso, dalhin agad ang pasyente sa pinakamalapit na pagamutan. Huwag gagawa ng anuman sa pasyente. Pahigain at takpan siya ng malinis na damit upang manatiling mainit.
4. kung ang paso ay maliit lamang, ibabad ito sa tubig na may asin sa loob ng 20 sandli pagkaraan ng 24 na oras.  Haluan  ng ½ tasang asin ang isang palanggana o kaya’y isang timba ng mainit-init na tubig.  Ibabad ang napasong bahagi minsan isang araw sa loob ng 3 araw hanggang matuyo ang paso.

Paggamot ng halaman sa maliit na paso
1.  Sabila
·         Sabunin at hugasan ang sabila.  Dikdikin ito at katasin.
o    Lagyan ng katas ng sabila ang bahaging may pinsala pagkatapos na maibabad sa mainit-init na tubig na may asin, minsan isang araw.
2. Atsuete
·         Sabunin at hugasan ang dahon, pakuluan ang 10 dahon sa 5 basong tubig. Palamigin.
o    Ibabad dito ng 10 minuto ang bahaging may pinsala, minsan isang araw.

Tuesday, December 25, 2012

Tibi


Ang tibi ay isang kalagayan ng pagpapalabas ng dumi nang may kahirapan at magabang panahon ng pagitan.

Paggamot ng Tubig at iba pa
1. uminom nang mga 8 o higit pang baso ng tubig sa araw.  Uminom ng 2 baso ng tubig pagkagising sa umaga at isang baso bago matulog.
2. maglabatiba, at dukutin ang dumi kung ito ay buo. Tingnan ang pahina 53.
3. magkaroon ng regular na panahon sapag-upo sa “toilet bowl” at magrelaks.  Umupo sa panahon bagaman hindi mo nadarama na kailangan ito.
4. mag-ehersisyo nang regular araw-araw.
5. kumain nang maraming berde at madahong gulay at mga sariwang prutas.

Paggamot ng halaman
1. kangkong
·         Ubusin ang 2 tasa ng nilagang dahon sa panahon ng pagkain.
2. malunggay
·         Kumain ng isang tasa ng nilagang dahon sa panahon ng pagkain.
3. hinog na papaya
·         Kumain ng isang malaking hiwa nito tuwing agahan.
4. kampanilya (yellow bell)
·         Pakuluan ng 10 minuto ang 5 dahon sa 2 basong tubig.
o    Dosis:
Matanda: 1 baso, 2 ulit maghapon.
Bata: (2-6 na taon) 1 kutsara, 2 ulit maghapon.
                (7-12 taon) 1 tasa, 2 ulit maghapon.